Sinabi kagabi ni Darmin Nasution, Ministro ng Kabuhayan ng Indonesia, na ang mga plano ng Tsina at Hapon hinggil sa pagtatayo ng high-speed railway mula Jakarta hanggang Bandung ay hindi angkop sa aktuwal na kalagayan ng kanyang bansa, kaya ibinalik ang mga plano sa naturang dalawang bansa.
Samantala, ipinahayag niyang isinasaalang-alang ng pamahalaan ng Indonesia ang pagtatayo ng medium-speed railway sa naturang linya na ang tulin ng tren bawat oras ay nasa 200 kilometro hanggang 250 kilometro.
Dagdag pa niya, kahit ang kabuuang oras ng medium-speed train sa naturang linya ay bumagal ng 11 minuto kumpara sa high-speed train, pero ang gastusin ng medium-speed railway ay bumaba ng 30% hanggang 40% kumpara sa high-speed railway.
Nauna rito, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na ang proyekto ng daambakal mula Jakarta hanggang Bandung ay isang purong proyektong komersyal sa pagitan ng mga bahay-kalakal at walang anumang budget ang pamahalaan para sa proyektong ito.