|
||||||||
|
||
Ang Cockpit Voice Recorder (CVR), isa pang black box, ay narekober kamakalawa.
Ang kapuwa black boxes ay ipinadala na sa National Transportation Safety Committee para sa ibayo pang pagsusuri.
Samantala, narekober din kahapon ang lahat ng mga bangkay na sakay ng eroplano.
Dinadala ng mga sundalo at pulis ang kabaong ng biktima ng pagbagsak ng ATR 42 Trigana plane. Larawang kinunan Aug. 20, 2015. (Xinhua/Veri Sanovri)
Bumagsak ang flight ATR 42 ng Trigana Air sa Papua, probinsya sa dulong silangan ng Indonesia nitong nagdaang Linggo, habang lumilipad mula sa Sentani papuntang Oksibil. Nasawi ang lahat ng 49 na pasahero at 5 tauhan na sakay ng eroplano. Lahat sila ay taga-Indonesia.
Nagluluksa sa harap ng kabaong ang kamag-anakan ng biktima ng bumagsak na ATR 42 Trigana plane. Larawang kinunan Aug. 20, 2015. (Xinhua/Veri Sanovri)
Tagapagsalin/editor: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |