BEIJING—Kinatagpo ng Unang Ginang ng Tsina na si Peng Liyuan, si Irina Bokova, Pangkalahatang Direktor ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Pinag-usapan nila ang hinggil sa edukasyong pambabae.
Dumalo sa V-Day commemorations si Bokova.
Sinabi ni Peng na naisakatuparan ng Tsina ang kaunlaran dahil sa pagpapauna sa edukasyon. Dahil sa pag-unlad ng edukasyon, tumataas din ang katayuan ng kababaihang Tsino.
Ipinangako rin ni Peng na patuloy siyang gaganap ng papel bilang sugong espesyal ng UNESCO para mapasulong ang edukasyong pambabae.
Ipinahayag naman ni Bokova ang kanyang pasasalamat kay Peng sa ibinibigay na ambag para sa pagpapasulong ng edukasyong pambabae. Ipinahayag din niya ang pagbati sa Tsina sa matagumpay na pagdaos ng V-Day commemorations kamakalawa bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, pag-alala sa mga nagbuwsis ng buhay para sa kapayapaan at pagpapahalaga sa kapayapaan.
Salin: Jade