|
||||||||
|
||
Nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina para pabilisin ang pag-unlad ng bokasyonal na edukasyon sa bansa.
Iniharap ng premyer Tsino ang nasabing panawagan sa kanyang talumpati sa Linggo ng Bokasyonal na Edukasyon na pinasinayaan kahapon ng umaga sa Beijing.
Ipinagdiinan niyang ang pagpapasulong ng makabagong bokasyonal na edukasyon ay isang pagsisikap ng pamahalaang Tsino para patingkarin ang bentahe ng mga talento ng bansa at hikayatin ang mga karaniwang tao na magsimula ng sariling negosyo at gumawa ng inobasyon.
Idinagdag pa ni Premyer Li na ang layunin ng paglulunsad ng Linggo ng Bokasyonal na Edukasyon ay para magkaroon ng consensus ang publiko sa karangalan ng pagtatrabaho, kabutihan ng pagkakaroon ng specialty skill at higit na kabutihan ng paggawa ng inobasyon.
Sinabi rin ni Li na kailangang maging mataas ang kalidad at employment-oriented ang bokasyonal na edukasyon at kailangan din itong maglingkod para sa kaunlaran ng bansa. Aniya pa, dapat pahalagahan ang reporma, inobasyon at integrasyon ng edukasyon para makalikha ng dekalidad na lakas-manggagawa at mapasulong ang kalidad ng paggawa at serbisyo ng Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |