Nakipagtagpo kahapon sa Nay Pyi Taw si Pangulo Thein Sein ng Myanmar sa limang pinuno ng mga sandatahang lakas ng pambansang minorya. Ipinahayag ni Pangulo Thein Sein na ang kalutasang pampulitika ay nagsisilbing tanging paraan para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon, sa halip na paggamit ng dahas. Aniya, nilagdaan ng pamahalaan, sa unang yugto, kasama ng 15 pambansang minorya, ang kasunduan hinggil sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan. Ito ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at pag-unlad ng estado, batay sa pagsasagawa ng diyalogong pampulitika, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ng mga kinatawan mula sa mga pambansang minorya na ang pagsasakatuparan ng kapayapaan ng estado ay komong mithiin ng mga mamamayang Burmese, na kinabibilangan ng mga pambansang minorya. Umaasa anila silang mararating ang kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at lahat ng mga armadong grupo ng pambansang minorya para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng bansa.