Binuksan kahapon sa Yangon, ang ika-9 na round ng talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga armadong grupo ng mga pambansang minorya ng bansa. Ipinahayag ng dalawang panig ang pag-asang malalagdaan ang kasunduan ng tigil-putukan sa buong bansa, sa lalong madaling panahon. Nagpadala naman ng mga tagamasid ang Tsina at United Nations.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng dalawang panig na tatalakayin nila ngayong araw ang listahan ng mga armadong grupo na matatanggap ng pamahalaan upang lumagda sa kasunduan ng tigil-putukan. Ito anila'y isang mahirap na bagay sa talastasan.
Noong 1948, sapul nang maisakatuparan ng Myanmar ang pambansang kasarinlan, nananatili pa rin ang ilang armadong grupo ng mga pambansang minorya.