Pagkatapos aprubahan ng Konseho ng Estado at Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, aalisin ng Tsina ang mga sona ng minang pampasabog sa purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam na nagsasapanganib sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan doon, at nakakaapekto sa pagbubukas at pagdedebelop ng purok-hanggahan.
Ang kasalukuyang pag-aalis ng minang pampasabog ay isusulong sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi at Lalawigang Yunnan. Tinatayang matatapos ito sa katapusan ng taong 2017.
Sa proseso ng pag-aalis ng minang pampasabog, isasagawa ng panig Tsino ang mabisang hakbangin para mapangalagaan ang kapaligirang ekolihikal ng mga purok ng pinanggagalingan ng tubig at purok-hanggahan, at hindi magdudulot ng malaking epekto sa normal na pamumuhay at produksyon ng mga mamamayan. Kung kakailanganing isagawa ang pag-detonate, napapanahong ipapaalam ng mga kinauukulang departamento sa lokalidad ang mga kinauukulang impormasyon sa panig Biyetnames, ayon sa kinauukulang kasunduan at regulasyon ng mga tropa ng Tsina at Biyetnam.
Mula noong 1992 hanggang 1994 at 1997 hanggang 1999, inorganisa ng Tsina ang 2 beses na malawakang gawain ng pag-aalis ng minang pampasabog sa purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Bukod dito, magkakasamang inorganisa ng Tsina at Biyetnam ang maliit na pag-aalis ng minang pampasabog, noong panahon ng pagsusuri at pagtatakda ng hanggahang panlupa ng dalawang bansa. Ang mga gawain ng pag-aalis ng mga minang pampasabog ay gumawa ng mahalagang papel para sa paggarantiya sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa purok-hanggahan, at pagpapasulong ng kaligtasan, katatagan, at kasaganaan ng naturang purok.
Salin: Vera