|
||||||||
|
||
Magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Estados Unidos mula ika-22 hanggang ika-25 ng Setyembre.
Kaugnay nito, sinabi ni Zeng Zeguang, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina sa preskon, na ang gagawing biyahe ng pangulong Tsino ay naglalayong pasulungin ang kooperasyong Sino-Amerikano sa iba't ibang larangan, sa ilalim ng bagong modelo ng ugnayan ng dalawang pangunahing bansa sa daigdig.
Bilateral na Kasunduan ng Pamumuhunan (BIT)
Ayon kay Zheng, sa gagawing biyahe ni Pangulong Xi, magtatalastasan ang Tsina at Amerika kung paanong palalakasin ng dalawang bansa ang kanilang koordinasyon sa kani-kanilang mga patakaran sa macro-economy para mapasulong ang bilateral na kooperasyon at matatag na paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang Tsina at Amerika ng talastasan hinggil sa Bilateral na Kasunduan ng Pamumuhunan (BIT). Kapag natapos ang nasabing talastasan, makakalikha ito ng bagong espasyo para sa pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Cyber security
Sa pananatili ni Pangulong Xi sa Amerika, idaraos ng dalawang bansa ang Porum sa Internet sa Seattle. Lalahukan ito ng mga kinatawan mula sa mga bahay-kalakal ng Internet ng Tsina at Amerika na tulad ng Alibaba, Baidu, Apple, Google, IBM at Facebook.
Ipinagdiinan ni Zheng na ang Tsina ay may pinakamaraming Internet users sa daigdig at ang Amerika naman ay may pinakasulong na industriya ng Internet, kaya, malawak ang komong interes at hamon ng dalawang bansa sa pangangalaga sa seguridad ng Internet.
Ang Seattle ay unang hinto sa Amerika ng gagawing biyahe ni Pangulong Xi. Makikipag-usap siya sa mga kilalang bahay-kalakal ng industriya ng Internet na gaya ng Microsoft at Facebook.
Edukasyon at turismo
Sa kanyang gagawing pagdalaw sa Amerika, nakatakdang makipag-usap si Pangulong Xi sa panig Amerikano hinggil sa mga bagong hakbangin ng dalawang bansa para mapasulong ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa edukasyon at turismo
Iba pang mga isyu
Ayon kay Zheng, magtatalakayaan si Pangulong Xi at lideratong Amerikano hinggil sa iba pang mga isyu na gaya ng ugnayang militar, enerhiya, kalawakan, pagbabago ng klima at misyong pamayapa. Mag-uusap din sila hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng mga suliraning Asya-Pasipiko, isyung nuklear ng Iran, isyung nuklear ng Korean Peninsula at isyu ng Afghanistan.
Pagkaraan ng kanyang biyahe sa Amerika, lalahok si Xi sa United Nations (UN) Summit bilang Paggunita sa ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN, mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |