|
||||||||
|
||
Sa Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo dito kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kinatawan ng panig Amerikano na kalahok sa ika-7 round ng diyalogo ng mga lider ng komersyo at dating mataas na opisyal ng Tsina at Estados Unidos.
Pagtatatag ng bagong major-power relationship ng Tsina at Amerika
Tinukoy ni Xi na ang esensya ng relasyong Sino-Amerikano ay mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Ang koooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa bilateral, rehiyonal at pandaigdig na antas ay hindi lamang nakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa kapuwa panig at kanilang mga mamamayan, kundi gumawa rin ng mahalagang ambag para sa kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyon, maging ng buong mundo. Sa hinaharap, magiging mas malawak ang mga larangan ng kooperasyon ng magkabilang panig. Dagdag pa ni Xi na nangingibabaw ang ilang alitan sa pagitan ng Tsina at Amerika. Kung igagalang at isasaalang-alang ang nukleong interes ng isa't isa, iiwasan ang estratehikong maling pagkaunawa at maling pagpapasiya, at igigiit ang maayos na paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng konstruktibong paraan, saka lamang makokontrol ang mga alitan, at mapapangalagaan ang komong interes. Aniya, nagpupunyagi ang Tsina, kasama ng panig Amerikano, para itatag ang bagong major-power relationship.
Kabuhayang Tsino
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, ang pagbagal ng paglago ng kabuhayang Tsino ay nakatawag ng pansin ng komunidad ng daigdig. Ito, sa katunayan, ay resulta ng pagbabago ng Tsina ng pamamaraan ng pag-unlad at pagsasaayos sa estruktura ng kabuhayan. Patuloy na komprehensibong palalalimin aniya ng Tsina ang reporma, aktibong babaguhin ang pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan, patitingkarin ang walang pag-aalinlangang papel ng pamilihan sa pagbabahagi ng yaman, pabubutihin ang papel ng pamahalaan, walang humpay na patataasin ang kalidad at episyensiya ng paglago ng kabuhayan, at palalawakin ang espasyo ng pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap. Napakalaki ng potensyal ng kabuhayang Tsino, at may kondisyon itong pangmalayuang mananatili ang katamtaman at mabilis na paglaki, dagdag ni Xi.
Biyehe sa Amerika
Tinukoy ni Xi na sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama, isasagawa niya ang dalaw-pang-estado sa Amerika sa darating na ilang araw. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng naturang biyahe ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano, mapapalawak ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at mapapasulong ang mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Sa ngalan ng panig Amerikano, magkasunod na nagtalumpati sina Thomas Donohue, Puno ng U.S. Chamber of Commerce, at Carlos Gutierrez, dating Kalihim ng Komersyo ng Amerika. Nananalig anilang tiyak na mapapasulong ng gagawing pagdalaw ni Xi ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya at may-impluwensiyang bansa sa daigdig, nagiging mas palaasa sa isa't isa ang Tsina at Amerika. Anila, kailangang patunayan sa daigdig na magkasamang itinatatag ng Tsina at Amerika ang mas malakas na relasyong pangkooperasyon. Kinakatigan ng sirkulo ng komersyo ng Amerika ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, at ang pagpapatingkad ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at Belt and Road Initiative ng Tsina ng mahalagang papel sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |