NAKIISA si Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. at ang mga kasamang mambabatas sa mga naulila ni Camarines Norte Congressman Elmer Panotes na pumanaw kahapon sa edad na 75.
Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Belmonte na nasa ikalawang termino na si Congressman Panotes matapos maging punongbayan ng Daet mula 1992 hanggang 2001 at mula 2004 hanggang 2007. Naglingkod din siya bilang bise gobernador noong 1986 at Governor at Pangulo ng Camarines Norte Chapter ng Integrated Bar of the Philippines.
Nagugunita ng mga nakasama sa Kongreso si Congressman Panotes bilang vice chairman ng committee on Natural Resources at kasapi ng Committee on Accounts, Appropriations at Bicol Recovery and Economic Development.