PREPARADO ang grupo nina Senador Grace Poe at Francis Escudero na sumabak sa kampanya sa pagkakaroon ng walong kandidato sa pagka-senador.
Ito ang sinabi ni Congresswoman Evelyn Escudero ng Sorsogon matapos magdeklara ang kanyang anak na si Senador Escudero ng pagkandidato sa pagka-bise presidente.
Umaasa si Gng. Escudero na mabubuo ang kanilang line-up sa darating na Setyembre 30.
Tumanggi si Congresswoman Escudero na kilalanin ang walo sapagkat bahala na ang dalawang kandidato sa paghahayag ng kanilang mga makakasama.