Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Zulkifli Hasan, Puno ng Indonesian People's Consultative Assembly, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na bilang magkapitbansa sa karagatan, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indoensya para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig, lalo nang kooperasyon sa pagpapataas ng produktibong kakayahan at pagpapasulong ng industriyalisasyon, batay sa estratehiyang "Pagtatatag ng Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinaguyod ng Tsina at planong "Global Maritime Axis" na binalangkas ng Indonesya.
Ipinahayag naman ni Zulkifli Hasan na kasalukuyang kinakaharap ng Tsina at Indonesya ang katulad na tungkulin sa pagpapalakas ng estado. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para komprehensibong tupdin ang mga kasunduang pangkooperasyon na narating ng dalawang panig, at pahigpitin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng konektibidad sa karagatan, pamumuhunan, pinansya, enerhiya at iba pa.
Nang araw ring iyon, kinausap din si Zulkifli Hasan ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC).