Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ng Pangulong Tsino, magpapasulong ng pagtitiwalaang Sino-Amerikano, ayon sa mga dalubhasa

(GMT+08:00) 2015-09-21 15:07:50       CRI

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay nakatakdang magsimula bukas ng dalaw na pang-estado sa Amerika. Ayon sa mga dalubhasang Tsino at dayuhan, ang apat na araw na biyahe ng pangulong Tsino ay magpapasulong ng pagtitiwalaan ng Tsina at Estados Unidos.

Napag-alamang ang cyber security, isyu ng South China Sea (SCS), pagbabago ng klima ay magsisilbing pangunahing paksa ng mga lider na Tsino at Amerikano sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi.

Kaugnay ng isyu ng SCS, ipinalalagay ni Wang Gungwu, Tagapangulo ng East Asian Institute ng National University of Singapore at Professor Emeritus ng Australian National University, na ang layunin ng konstruksyon ng Tsina sa puwersang pandagat ay para maprotektahan ang interes na pangkabuhayan nito, at hindi ito nagsisilbing banta sa Amerika. Idinagdag pa niyang upang maiwasan ang pangangamba sa isa't isa, kailangang isaalang-alang at hawakan ng Tsina at Amerika ang kanilang pagkakaiba, batay sa anggulo at pananaw ng magkabilang panig.

Ipinalalagay naman ni Robert O. Keohane, Propesor mula sa Princeton University na dahil sa pag-unlad ng Tsina, may pagbabago sa kaayusang pandaigdig. Ipinagdiinan din niyang ang siyang tanging landas para sa relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap ay ang pagsasakatuparan ng win-win situation. Aniya pa, ang susi rito ay kailangang matutong magbalanse ang dalawang bansa, sa pamamagitan ng pagtutulungan batay sa kani-kanilang nukleong interes. Sa prosesong ito, kailangan din aniya ng dalawang bansa na matutong itakwil ang kanilang di-nukleong interes.

Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at maunlad na bansa, ang pagtutulungan ng Tsina at Amerika ay may malalim na impluwensiya sa buong daigdig. Sinabi ni Barry G. Buzan, propesor ng London School of Economics and Political Science na sa kasalukuyan, humihigpit ang ugnayan ng iba't ibang bansa sa daigdig at ang pag-unlad ng lahat ng mga miyembro ng komunidad ng daigdig ay nababatay sa globalisasyong pangkabuhayan. Bukod dito, may komong tadhana at kinakailangan ang pagsisikap ng lahat ng mga bansa kaugnay ng mga isyu na gaya ng pakikibaka laban sa terorismo, krimeng transnasyonal, kapaligirang pandaigdig, at pagpapalaganap ng weapons of mass destruction o WMD.

Ipinalalagay naman ni Jia Qingguo, propesor mula sa Peking University na malawak ang espasyong pangkooperasyon ng Tsina at Amerika sa cyber security, kabuhayan at larangang militar. Inaasahan niyang mararating ng dalawang bansa ang kasunduan sa nasabing mga isyu, sa gaganaping biyahe ni Pangulong Xi sa Amerika.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>