Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pagdaraos sa Seattle, Amerika ng symposium hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkakalalan sa pagitan ng mga lalawigan ng Tsina at Amerika, mula ika-21 hanggang ika-24 ng buwang ito.
Tatalakayin ng mga kinatawan mula sa mga kilalang bahay-kalakal ng Tsina at Amerika ang hinggil sa pagtutulungan sa larangan ng pamumuhunan, Internet industry, agrikultura, at iba pa.
Ipinahayag kamakailan ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina ang pag-asang magkasamang magsisikap ang mga bahay-kalakal at sasamantalahin ang pagkakataon ng pagbisita ng Pangulong Tsino sa Amerika para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.