|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng pamahalaang Tsino ang Pambansang Plano sa Kaunlarang Ekolohikal. Batay sa plano, sa 2020, itatatag ng Tsina ang komprehensibong sistema sa pagpapasulong ng kaunlarang ekolohikal at pangangalaga sa kapaligiran.
Paggalang sa kalikasan
Batay sa plano, kailangang igiit ng Tsina ang mga prinsipyo at ideya ng pagbibigay-galang at pangangalaga sa kalikasan. Ipinagdiinan din sa plano na ang likas na yaman ay yamang pampubliko at sa proseso ng pangangalaga at paggagalugad sa kalikasan, kailangang makipagtulungan sa mga bansang dayuhan.
Pagpapahalaga sa kalidad ng kaunlarang ekonomiko
Ipinalalagay ni Xu Shaoshi, Direktor ng National Development and Reform Commission ng Tsina, na ang pagpapahalaga sa kaunlarang ekolohikal ay nagpapakita ng pagbabago ng pamamaraan ng pagpapalago ng kabuhayan ng Tsina na nagtatampok sa kalidad.
Mga hakbang sa pangangalaga sa ekolohiya
Sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na ibalanse ang konstruksyong pangkabuhayan, konstruksyong pampulitika, konstruksyong pangkultura, konstruksyong panlipunan at konstruksyon ng kaunlarang pang-ekolohiya.
Noong unang araw ng Enero, 2015, nagsimula nang ipatupad ng Tsina ang Batas sa Pangangalaga sa Kapaligiran. Ito ay tinaguriang pinakamahigpit na ganitong batas sa kasaysayan ng Tsina.
Noong ika-30 ng Hunyo, 2015, isinumite ng Tsina sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang plano sa pagbabawas sa emisyon. Batay rito, nangako ang Tsina na kumpara sa 2005, babawasan nang 50% hanggang 60% ang carbon dioxide emission per capita GDP sa 2030.
Ipinalabas din kamakailan ng Tsina ang regulasyong may kinalaman sa tungkulin ng mga opisyal sa pangangalaga sa kapaligiran. Paparusahan ang mga opisyal na labag sa regulasyon.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |