|
||||||||
|
||
White House--Sa magkasanib na preskon makaraan ang kanilang opisyal na pagtatagpo, ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika na narating nila ang bagong komong palagay hinggil sa mga pagbabago ng klima, people-to-people exchanges at iba pa.
Bilateral na Kasunduan sa Pamumuhunan (BIT)
Sumang-ayon ang dalawang pangulo na pabilisin ang talastasan hinggil sa Bilateral na Kasunduan sa Pamumuhunan (BIT) ng dalawang bansa para lagdaan ito sa lalong madaling panahon.
Magkasamang paglaban sa cyber crime
Sumang-ayon din silang magkasamang lumaban sa cyber crimes. Para rito, magbabahaginan ang dalawang bansa ng mga impormasyon na may kinalaman sa mga kaso ng cyber crimes. Ipinangako rin nilang hindi magsasagawa at hindi susuporta ang dalawang bansa sa cyber hacking sa intellectual property rights.
Produktong pampubliko para sa daigdig
Tinalakay rin ng dalawang pangulo ang hinggil sa hamong pandaigdig. Sumang-ayon din silang magkakaloob ng mas maraming produktong pampubliko para sa buong daigdig.
Pagbabago ng klima
Muling inilabas ng dalawang pangulo ang Magkasanib na Pahayag bilang tugon sa Pagbabago ng Klima. Batay rito, palalawakin nila ang kanilang pragmatikong pagtutulungan at ang kanilang koordinasyon sa multilateral na diyalogo, para magkasamang mapasulong ang pagkakaroon ng bunga ng gagawing Paris Summit.
Mga isyung Asya-Pasipiko
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na malawak ang komong interes ang Tsina at Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko at kailangang palalimin ang kanilang diyalogo at kooperasyon sa mga isyung Asya-Pasipiko na nagtatampok sa pagiging inklusibo.
South China Sea
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na palagiang nananangan ang Tsina sa pakikipagmabutihan sa mga kapitbansa. Ipinagdiinan din niyang bilang teritoryo ng Tsina, may karapatan ang Tsina na pangalagaan ang soberanya at interes na pandagat sa mga isla sa South China Sea. Inulit din niyang nagsisikap at patuloy na magsisikap ang Tsina para mapanatili ang kapayapaan ng South China Sea at naninindigan din ang Tsina na kontrolin at lutasin ang mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |