|
||||||||
|
||
White House, Amerika--Nagkaroon dito kahapon si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Barack Obama ng small-range talk.
Sina Xi at Obama sa kanilang small-range talk (photo source: Xinhua)
Kahalagahan ng relasyong Sino-Amerikano
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina na makisama sa Amerika para mapasulong ang ugnayan ng dalawang bansa sa tumpak na landas.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na ugnayan sa daigdig. Aniya pa, nitong 36 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, sa kabila ng mga kahirapan, walang-humpay na sumusulong ang relasyon ng dalawang bansa at natamo rin nito ang kaunlarang pangkasaysayan.
Binalik-tanaw rin ni Pangulong Xi ang narating na komong palagay nila ni Obama para itatag ang bagong modelo ng major-power relations ng dalawang bansa, sa kanilang di-pormal na pagtatagpo sa Annenberg Estate, Southern California. Sapul noon, ibayo pang isinusulong ang relasyong Sino-Amerikano at marami itong idinudulot na kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Pananangan sa pagkawalang-alitan, pagkawalang-komprontasyon, mutuwal na paggagalangan, at komong kaunlaran
Ayon kay Xi, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ang Amerika na manangan sa kooperasyon na nagtatampok sa pagkawalang-alitan, pagkawalang-komprontasyon, mutuwal na paggagalangan, at komong kaunlaran. Nanawagan din siya sa dalawang bansa na patuloy na palawakin ang kanilang kooperasyong praktikal sa bilateral, rehiyonal at pandaigdig na lebel. Hinimok din niya ang dalawang bansa na hawakan at ayusin ang mga pagkakaiba at sensitibong isyu sa pamamagitan ng konstruktibong paraan para matiyak ang pagtahak sa tumpak na landas ng relasyong Sino-Amerikano.
6 na mungkahi sa relasyong Sino-Amerikano
Iniharap din ni Pangulong Tsino ang anim na mungkahi para ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-Amerikano.
Una, kailangang panatilihin ang pagpapalitan sa iba't ibang antas. Sa prosesong ito, patitingkarin ang papel ng mga pangunahing bilateral na mekanismo na gaya ng Strategic and Economic Dialogue, at High-Level Consultation on People-to-People Exchanges.
Pangalawa, kailangang palawakin at palalimin ang kooperasyong praktikal sa iba't ibang larangan na kinabibilangan ng kabuhayan, kalakalan, militar, pakikibaka laban sa terorismo, pagpapatupad sa mga batas, enerhiya, kapaligiran at imprastruktura.
Pangatlo, kailangang pasulungin ng dalawang bansa ang people-to-people exchange para mapatibay ang pundasyong di-pampamahalaan para sa bilateral na relasyon.
Pang-apat, kailangang igalang ng dalawang bansa ang kani-kanilang pagkakaiba sa kasaysayan, kultura, tradisyon, sistemang panlipunan, at landas at yugto ng pag-unlad. Kailangan din silang matuto sa isa't isa.
Panlima, kailangang palalimin ang kanilang diyalogo at kooperasyon sa mga isyung Asya-Pasipiko.
Pang-anim, kailangang magkasamang ayusin ang hamong panrehiyon at pandaigdig, payamamin ang estratehikong nilalaman ng kanilang relasyon, at ipagkaloob ang mas maraming produkto at serbisyong pampubliko para sa komunidad ng daigdig.
Ang Washington D.C. ay ikalawang hinto ng apat na araw na biyahe ni Pangulong Xi sa Amerika. Nauna rito, dumalaw siya sa Seattle. Dadalo rin siya sa United Nations (UN) Summit bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Ernest/Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |