Binuksan kahapon sa Beijing ang kauna-unahang pagtitipon hinggil sa pagtutulungang pangkalawakan ng Tsina at Amerika para sa layuning pansibilyan. Ito ay nagpapakitang itinatag ng dalawang panig ang mekanismong pandiyalogo sa larangang ito.
Inilahad ng Tsina at Amerika ang kani-kanilang patakarang pangkalawakan at plano ng paggagalugad sa kalawakan. Bukod dito, nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa pagtutulungan sa teknolohiyang pangkalawakan, na gaya ng air to ground satellite observation, siyensiyang pangkalawakan, satellite navigation system, at iba pa.
Bilang natamong bunga ng China-US Strategic and Economic Dialogue na idinaos noong Hunyo, 2015, positibo ang dalawang panig sa pagdaraos ng pangalawang diyalogo sa Washington, sa taong 2016.