MALAKAS na kulog at ulan ang naranasan ng mga taga-Metro Manila kaninang hapon. Nakasama rin sa mga apektado ang mga kalapit-lalawigan.
Ayon sa PAGASA, ang pagkulog, pagkidlat at pag-ulan an naranasan sa Metro Manila, partikular sa Quezon City, hilagang Caloocan, Marikina, mga lalawigan ng Batangas at Cavite, sa mga bayan ng Alfonso at Mendez, sa Rizal, sa mga bayan ng San Mateo, Antipolo at Cainta. Naranasan din ang ulan sa Bulacan, sa mga bayan ng Bocaue, Balagtas, Guiguinto at Malolos.
Binalaan ang mga mamamayang maging maingat sa pag-ulan, malakas na hangin at kidlat kasabay na ng posibleng pagbaha. Inaasahan din ito sa Zambales at Laguna.