Beijing--Nagsapubliko dito kamakailan ang Chinese Academy of Sciences, pambansang institusyon sa pagdedebelop ng hay-tek at natural sciences, ng Taunang Ulat sa Sustenableng Pag-unlad ng Daigdig para sa Taong 2015. Ito ang unang ganitong ulat na inilabas ng Tsina.
Mababasa sa ulat na mula taong 2015 hanggang 2030, papasok ang iba't ibang bansa sa masusing yugto ng pagpapatupad sa sustenableng pag-unlad sa paraang siyentipiko.
Ayon kay Niu Wenyuan, punong mananaliksik ng nabanggit na ulat, pagkaraan ng tatlong taong pagsisikap, inilabas nila ang ulat hinggil sa kakayahan ng sustenableng pag-unlad ng 192 bansa't rehiyon ayon sa pagkakasunud-sunod.