Dumalo kahapon si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa High-level Political Forum of United Nations Sustainable Development, sa Punong Himpilan ng UN sa New York. Mga lider at ministrong panlabas mula sa halos 70 bansa ang lumahok at bumigkas ng talumpati, sa nasabing forum.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na ginagawang saligang pambansang patakaran ng Tsina ang pagsasagawa ng sustenableng pag-unlad para maging responsable sa susunod na henerasyon at komunidad ng daigdig.
Aniya pa, dapat magsikap para itatag ang ecological civilization sa buong daigdig, at igiit ang "Common but Differential Responsibility Principle."
salin:wle