Sa kanyang talumpati sa Pangkalahatang Debatehan ng Ika-70 United Nations General Assembly na idinaos kamakailan sa New York, inilahad ni Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos ang paninindigan ng kanyang bansa sa isyu ng pagbabago ng klima.
Sinabi ni Choummaly na sa pagharap sa pagbabago ng klima, ang mga bansang walang sapat na imprastruktura, teknolohiya, pondo, at yamang-tao ay nangangailangan ng tulong ng komunidad ng daigdig, para mapalakas ang kanilang pangmatagalang kakayahan. Umaasa aniya ang Laos na sa idaraos na Climate Change Conference sa Paris, itatakda ang mga hakbangin at mararating ang kasunduan hinggil sa nabanggit niyang isyu.
Salin: Liu Kai