Sa New York, punong himpilan ng United Nations (UN) — Dumalo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa luncheon party ng mga lider ng UN tungkol sa isyu ng pagbabago ng klima. Nangulo sa nasabing luncheon party si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Tinukoy ni Xi na sa Pulong ng Paris hinggil sa Pagbabago ng Klima na gaganapin sa katapusan ng kasalukuyang taon, babalangkasin ng komunidad ng daigdig ang bagong plano para harapin ang pagbabago ng klima. Ito rin aniya ay makakapagbigay ng direksyon sa komunidad ng daigdig na hanapin ang green at low-carbon na pag-unlad. Ipinagdiinan din ng Pangulong Tsino na sa mula't mula pa'y aktibong hinaharap ng Tsina ang pagbabago ng klima na may responsableng atityud. Itinuturing aniya ng Tsina ang pagharap sa pagbabago ng klima bilang malaking pagkakataon para sa pagsasakatuparan ng pagbabago ng porma ng pag-unlad, at aktibong hinahanap ang landas ng low-carbon na pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado ng Tsina.
Pinasalamatan naman ni Ban ang pagdalo ng mga lider ng iba't-ibang bansa sa nasabing luncheon party. Binigyang-diin niyang napakahalaga ng isyu ng pagbabago ng klima para sa pagsasakatuparan ng buong daigdig ng sustenableng pag-unlad. Umaasa aniya siyang magkakaloob ang luncheon party ng puwersang pulitikal para sa pagkakaroon ng kasunduan sa Pulong ng Paris.
Salin: Li Feng