Ipinahayag kamakailan ng panig opisyal ng Lalawigang Fujian ng Tsina, na parami nang paraming bahay-kalakal mula sa ilang bansang ASEAN na gaya ng Singapore at Indonesya ang namumuhunan at nagpapatakbo ng mga proyekto ng daungan sa lalawigang ito.
Ayon sa estadistikang ipinalabas ng panig opisyal, sa 41 puwesto sa mga daungan sa Fujian na pinatatakbo ng pondong dayuhan, 7 ang pag-aari ng mga bahay-kalakal ng Singapore, at 4 naman ang pay-aari ng mga bahay-kalakal ng Indonesya. Samantala, kabilang sa 27 proyekto ng daungan na itinatayo, 4 ang galing sa Singapore, at 6 naman ang galing sa Indonesya.
Salin: Liu Kai