Ipinahayag kamakailan ni Johari Abdul Ghani, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Malaysia na nilagdaan ng pamahalaang Malay at World Bank (WB) ang kasunduang may kinalaman sa pagbubukas ng WB ng opisina sa Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia.
Idinagdag pa niyang kinumpirma ng WB na umabot sa 7% ang taunang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Malaysia nitong 25 taong nakalipas. Kasabay nito, matagumpay rin ang Malaysia sa pagpawi ng kahirapan. Aniya pa, ang balak ng Malaysia ay humanay sa mga bansang mataas ang kita sa taong 2020.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac