Ipinatalastas ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng bansa na ang opisyal na estadistika ng bansa ay tatalima sa Special Data Dissemination Standards (SDDS), sistemang estadistikal ng International Monetary Fund (IMF) para mapasulong ang transparency.
Sapul noong 2002, ginagamit ng Tsina ang General Data Dissemination System (GDDS) na itinatag ng IMF noong 1997 para ipagkaloob ang balangkas para sa mga kasaping bansa na pasulungin ang kani-kanilang sistemang estadistikal.
Maaaring gamitin ang GDDS ng lahat ng mga kasaping bansa ng IMF samantalang ang SDDS ay itinatag ng IMF noong 1996 para sa mga kasaping bansa na may o nagbabalak na galugarin ang pamilihang pandaigdig.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac