|
||||||||
|
||
Shanghai—Inilunsad ngayong araw ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng bansa, ang unang yugto ng Cross-border Interbank Payment System (CIPS) para mapasulong ang paggamit ng renminbi, salaping Tsino sa buong daigdig.
Ang CIPS ay magkakaloob ng capital settlement at clearing services para sa cross-border yuan transactions ng mga institusyong pinansyal.
Sa kasalukuyan, 19 na bangko na kinabibilangan ng apat na pangunahing bangko ng Tsina, HSBC Bank China, Citibank China at Standard Chartered China ang pinayagang sumapi sa CIPS.
Bukod dito, 38 bangko ng Tsina at 138 institusyong pinansyal na dayuhan ang inaprubahan bilang di-direktang participants. Maaari silang magsagawa ng CIPS services sa pamamagitan ng isa o mahigit isang direct participants.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |