Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga partidong pulitikal ng Asya, magpupulong sa Beijing hinggil Belt and Road Initiative; Pilipinas, magpapadala ng kinatawan

(GMT+08:00) 2015-10-09 11:09:06       CRI
Ipinatalastas ngayong araw ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idaraos sa Beijing ang Pulong ng mga Partidong Pulitikal ng Asya (International Conference of Asian Political Parties, ICAPP) na may Kinalaman sa Belt and Road Initiative mula ika-14 hanggang ika-16 ng Oktubre. Ang Belt and Road ay pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.

Ang gaganaping pulong na may temang "Muling Pagtatatag ng Silk Road at Pagpapasulong ng Komong Kaunlaran" ay naglalayong palalimin ang pagtutulungan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Mahigit 50 partidong pulitikal mula sa mahigit 30 bansa na kinabibilangan ng Pilipinas ang kumpirmadong lalahok sa gaganaping pulong.

Ang ICAPP ay inilunsad ng LAKAS-CMD ng Pilipinas noong 2000, at ang unang pulong nito ay idinaos sa Maynila noong Setyembre, 2000.


Logo ng ICAPP  (source: http://www.theicapp.org/)

Ang Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI) ay magkokober sa nasabing pulong at kakapanayamin ang mga kinatawan mula sa Pilipinas.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>