Pagkaraang isailalim ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang mga dokumento ng Nanjing Massacre ng Tsina sa Memory of the World Register, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winewelkam ng Tsina ang naturang kapasiyahan ng UNESCO.
Sinabi pa ni Hua na buong sikap na pangangalagaan ng Tsina ang naturang mga dokumento para pahalagahan ang kapayapaan, kinabukasan at dignidad ng sangkatauhan.
Kaugnay ng pagpuna ng Ministring Panlabas ng Hapon sa katunayan ng naturang mga dokumento at neutralidad at pantay na trato ng UNESCO, sinabi ni Hua na ang Nanjing Massacre ay isang malubhang krimen na isinagawa ng militarismong Hapones noong panahon ng World War II' at ito rin ay isang katotohanang pangkasaysayang kinilala sa buong daigdig.
Hinimok din ni Hua ang Hapon na tumpak na pakitunguhin ang sariling kasaysayan at itigil ang panggugulo sa normal na gawain ng UNESCO.