Ayon sa pahayag na inilabas ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong gabi ng ika-9 ng buwang ito, opisyal nang isinailalim ang 11 dokumento ng Nanjing Massacre ng Tsina sa Memory of the World Register.
Ang nilalaman ng naturang mga dokumanto ay binubuo ng tatlong bahagi na gaya ng mga katotohanan ng panahon ng massacre mula 1937 hanggang 1938, imbestigasyon at paglilitis ng Military Tribunal ng Chinese National Government sa mga war criminals ng Hapon pagkatapos ng World War II mula 1945 hanggang 1947, at mga dokumento na inipon ng departamentong hudisyal ng People's Republic of China mula 1952 hanggang 1956.
Ang Memory of the World Register ay itinatag noong 1992 at ito rin ay isang listahan ng mga documentary heritage ng Memory of the World Programme ng UNESCO para pangalagaan at ipreserba ang mga documentary heritage at ala-ala ng buong sangkatauhan.