|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon nina Pangulong Joko Widodo ng Indonesia at Najib Razak, dumadalaw na punong ministro ng Malaysia, ang pagtatatag ng Lupon ng mga Bansang Nagpoprodyus ng Palm Oil para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng industriyang ito.
Sa pahayag pagkatapos ng kanilang pagtatagpo, sinabi ni Widodo na umaabot sa 85% ng palm oil market share sa daigdig ay mula sa Indonesia at Malaysia. Idinagdag pa niyang ang layunin ng pagkakatatag ng nasabing lupon ay palakasin ang pagtutulungan sa research and development (R&D) sa industriya ng palm oil at palawakin ang pamilihan ng mga by-product nito.
Nagpasiya rin ang dalawang bansa na buuin ang isang espesyal na grupo na mamamahala sa pagbalangkas ng bagong pamantayan para mapangalagaan ang kapaligiran sa proseso ng pagpapasulong ng nasabing industriya. Upang maprotektahan ang kapaligiran, nagpasiya rin ang dalawang lider na itatag sa Indonesia ang green economic zone ng industriya ng palm oil.
Samantala, binabalak din ng dalawang bansa na imbitahan ang Thailand at iba pang mga bansa na sumapi sa nasabing lupon.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |