|
||||||||
|
||
Ang mga ministro ng depensa mula sa 16 na bansa na kinabibilangan ng Pilipinas ay lalahok Ika-6 na Xiangshan Forum na gaganapin sa Beijing mula ika-16 hanggang ika-18 ng Oktubre.
Hanggang sa kasalukuyan, 49 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig ang kumpirmadong lalahok sa Porum.
Ang porum na nasa magkasamang pagtataguyod ng China Association for Military Science at China Institute for International Strategic Studies ay may temang Pagtutulungang Panseguridad ng Asya-Pasipiko: Katotohanan at Pananaw. Kabilang sa apat na pangunahing paksa ay tunguhin ng seguridad ng Asya-Pasipiko, ideya ng seguridad ng Asya-Pasipiko, seguridad ng pandagat ng Asya-Pasipiko at terorismong panrehiyon.
Ang porum na inilunsad noong 2006 ay idinaos bawat dalawang taon mula 2006 hanggang 2014. Simula ngayong taon, gagawin itong taunang porum at mas maraming opisyal ng depensa at dalubhasa sa larangang ito ay iimbitahan.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |