Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabago ng kabuhayang Tsino, bagong pagkakataon ng kooperasyong Sino-Singaporeano

(GMT+08:00) 2015-10-13 17:10:50       CRI

Mula ika-12 hanggang ika-14 ng buwang ito, dumadalaw si Zhang Gaoli, Pangalawang Premiyer Tsino sa Singapore. At nang interbiyuhin ng mga mediang lokal, ipinahayag ni Chen Xiaodong, Embahador na Tsino sa Singapore na sa pagbisita, tatalakayin ng Tsina at Singapore ang pagpapasulong ng kanilang kooperasyon sa mas malalim at mas malawak na antas.

SIP at Tianjin Eco-City

Ang Tsina ay kasalukuyang pinakamalaking trade partner ng Singapore at ang Singapore naman, mula noong taong 2013 ay nananatiling pinakamalaking pinanggagalingan ng pamumuhunang dayuhan.

Sa pagpapalagayan ng Tsina at Singpore, nananatiling nagtatampok ang dalawang panig sa ideya ng inobasyon. Noong 1994, bilang kauna-unahang proyektong pangkooperasyong Sino-Singaporeano, itinatag ang Suzhou Industrial Park. At noong isang taon, umabot sa 200 bilyong yuan RMB o 30 bilyong dolyares ang kabuuang produksyon nito na lumaki nang 8.5% kumpara sa taong 2013.

Pagpasok sa ika-21 siglo, sa proseso ng pagkakatatag ng isa pang proyektong pangkooperasyong Sino-Singaporeano na Tianjin Eco-City, naging priyoridad ng dalawang bansa ang pagharap sa pagbabago ng klima, pagtitipid ng yaman at enerhiya, pangangalaga sa sistemang biolohikal. Bukod sa mga ito, nakipagkooperasyon naman ang Singpore sa mga probinsya at lunsod ng Tsina tulad ng Shandong, Sichuan, Liaoning at Guangdong.

Ikatlong kooperatibong proyektong Sino-Singaporeano

Samantala, kasunod ng pagbabago ng kabuhayang Tsino, sinimulang talakayin ng magkabilang panig ang pagtatatag ng ika-3 proyektong pangkooperasyon sa dakong kanluran ng Tsina.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Stanley Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina na ito ay para matugunan ang "Belt and Road Initiative" (Ang Belt&Road Initiative ay pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road). Sabi niyang ang gawing kanluran ng Tsina ay simula ng sinaunang silk road at ang Singapore ay isang pangunahing bahagi ng "Maritime Silk Road".

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>