|
||||||||
|
||
Kabilang sa delegasyon sina Herman Tiu Laurel at Ferdinand Pasion ng GNN Television, Carmen Pedrosa at Wilson Lee Flores ng Philippine Star, Willard Cheng ng ABS-CBN News, Ellen Tordesillas ng Malaya, Maria Katrina Stuart Santiago ng Manila Times, si Serafin Ledesma Jr. ng Mindanao Journal, mga mamamahayag na sina Rod Kapunan at Adolfo Paglinawan, at ang team ng CRI Serbisyo Filipino.
Dumalaw kahapon ang delegasyon sa Suzhou Industrial Park (SIP), bunga ng matagumpay na pagtutulungan ng Singapore at Tsina.
Larawan ng delegasyong Pilipino na binubuo ng mga mamamahayag mula sa diyaryo, TV at radyo
Pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa SIP sa mga mamamahayag na Pilipino na dumalaw sa Suzhou
Sa proyektong Sino-Singaporeanong ito, naging matagumpay ang pagpasok ng mga mangangalakal mula sa iba't ibang bansa. Maayos at malawak ang mga lansangan at mayroong daang-bakal at mass transport system para sa mga manggagawa at mga naninirahang mga banyaga sa malawak na industrial park na nahahati sa dalawang panig.
Hindi lamang kalakal ang naroroon sapagkat may mga paaralan at dalubhasaang mula sa United Kingdom, Australia at maging sa Singapore na nagtatag ng kanilang mga paaralan sa SIP Educational Center.
Mayroon din silang sinimulang lugar panturismo para sa mga nagnanais magbakasyon at kinatatampukan ito ng mga magagandang hotel at mga mga kainan. Mayroon ding community center na katatagpuan ng iba't ibang serbisyong kailangan ng mga banyaga.
Naglibot ang mga mamamahayag na Pilipino sa SIP Community Center
May-bahay na Pinay, Masayang naninirahan sa Suzhou
Si Rowena Ramos Herring, ay isang tubong Ilocos Sur na nakapag-asawa ng Birtish national na kasalukuyang nagtuturo ng wikang Ingles sa Suzhou Industrial Park (SIP). Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino kay Herring, sinabi niyang masaya silang nanirahan sa SIP sapagkat bukod sa malinis na kapaligiran, mura pa ang mga pagkain. May tatlo silang supling at matagal na nanirahan sa iba't ibang bansa.
Ani Gng. Herring, dalawang taon pa lamang sila sa SIP sa Suzhou at may ilang taon na ring nanirahan sa iba't ibang bansa. Nagkakilala sila ng kanyang Mister sa Saudi Arabia.
Si Rowena Ramos Herring ( ikalawa sa kaliwa), kasama ang mga mamamahayag na Pilipino na dumalaw sa Suzhou
Sa neighborhood center matatagpuan ang iba't ibang tindahang nag-aalok ng mga pagkain at kagamitan ng mga banyagang naninirahan sa loob ng SIP. Ang kakaibang anyo ng community center ay ang pagkakaroon ng mga palaruan para sa mga bata, mayroong "baby-spa" at mayroong massage parlor para sa mga kabataan sa murang edad.
Massage parlor para sa mga bata
Kumpanya ng Bus sa Suzhou, nagluluwas sa Pilipinas
Nagtungo ang grupo ng mga mamamahayag na Pilipino sa Higer Bus Company Limited at nakausap ang kanilang mga opisyal. Nakatutuwang makausap si Daniel, isang Kastilang naglilingkod sa kumpanyang Tsino.
Si Daniel, isang Kastilang naglilingkod sa Higer Bus Company Limited
Nangunguna na ang Higer sa mga kumpanyang gumagawa ng pampasaherong bus na para sa mga lungsod at matagalang paglalakbay. Mayroon din silang luxury bus na nagkakahalga ng humigit kumulang sa US$ 1 milyon o halos P 50 milyon.
Ipinagmalaki ng mga opisyal ng kumpanya na nakapagpibili na sila ng mga bus sa Pilipinas tulad ng Five Star and Victory Liner bus companies at sa Iglesia Ni Cristo. Nakabili ang Iglesia Ni Cristo ng higit sa 100 unit sa nakalipas na tatlong taon.
Isang halimbawa ang Higer Bus ng matagumpay na pagtutulungan at pagkakalakalan ng mga banyagang kumpanya tulad ng Cummins Diesel, Bosch at marami pang iba.
Loob ng Higer Luxury Bus
Impormasyon hinggil sa Suzhou Industrial Park
Itinatag ang Suzhou Industrial Park (SIP) ng Tsina at Singapore noong 1994.
Nagkaroon ng tatlong bahagi ang pagtatayo ng SIP mula sa urban planning, construction and management; economic development at public administration.
Urban planning, construction at management
Sa unang bahagi pinahalagahan ang planning at management, pagtatayo ng public utility, paghahanda ng mga lupaing gagamitin kasabay ng real estate development, pagpapahalaga sa kapaligiran at pagtatayo ng maliliit na bayan-bayan.
Economic development
Sa larangan ng economic development, binuo ang estratehiya, pagsusulong at pangangalap ng investments, industrial at commerical administration, tourism development, customs, finance at taxation. Pag-aari ng pamahalaan ang mga lupain, pinasigla ang mga market agencies, modern logistics, scientific at technological development kasabay ng pagpapatakbo ng science park.
Public administration
Ang ikatlong bahagi ay ang public administration na kinabibilangan ng basic at vocational education, public health, culture, public security enforcement, township at community management, pagpapatupad ng batas at pagpapayabong ng "uncorrupted government," pagkilala sa mga trade union, human resource management, office automation, labor management, civil servants management at ang pagkakaroon ng provident fund management.
Ang Suzhou Industrial Park noong 2009 ay kumita ng higit sa 100 bilyong Yuan RMB sa larangan ng Gross Domestic Product, buwis na binayaran at paid-up foreign direct investment kasabay na ng registered domestic capital.
Maraming locators sa loob ng SIP at nagkaroon pa ng iba't ibang sektor para sa edukasyon kasabay ng pagkakaroon ng mga banyagang mga paaralan mula sa Australia, United Kingdom at maging sa Singapore. Mayroon ding mga pagamutan at science park sa loob ng SIP.
Sa likod ng mauunlad na mga pagawaan, hindi nakaligtaan ang pagpapanatili ng luntiang kapaligiran at malilinis at malalawak na mga lansangan. Magandang halimbawa ito sa mga nagnanais umunlad na bansa tulad ng Pilipinas.
Ulat: Melo/Ernest
Editor:Mac/Jade
Photographer: Ernest/Melo
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |