Ipinahayag kamakailan ng Pamahalaang Indones na upang maapula ang sunog sa kagubatan sa loob ng 2 linggo, 700 bilyong Rupiah ang binabalak na muling ilaan ng bansa upang mapatay ang sunog. Sa pangkalahatan, umakyat na sa 1.3 trilyong Rupiah ang kabuuang gastos para sa pagpatay ng nasabing sunog.
Sa isang preskon, sinabi ni Luhut Panjaitan, Ministro ng Pulitika, Batas, at Koordinasyon ng Seguridad ng Indonesia, na naaprobahan na ng parliamento at Ministri ng Pinansya ng bansa ang nasabing laang-gugulin.
Nitong Huwebes, ipinatalastas ng Indonesia na sumang-ayon itong tanggapin ang tulong mula sa Malaysia, Singapore, Australia, at iba pang bansa sa pagpatay ng sunog. Sinabi naman ni Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesia na ang lahat ng tulong mula sa ibang bansa, ay makataong tulong sa halip na negosyo.
Salin: Li Feng