Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa abot ng makakaya, tutulungan ng Tsina ang Indonesia para maapula ang sunog sa kagubatan.
Nasunog kamakailan ang mga kagubatan sa ilang lugar ng Sumatra Island at Kalimantan Island ng Indonesia, at tuluy-tuloy na kumakalat ang sunog. Iniharap na ng pamahalaang Indones ang kahilingan sa pagbibigay-tulong sa pagpatay ng sunog sa mga bansang gaya ng Tsina at Singapore.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang mga kinauukulang kahilingan ng panig Indones, at sa abot ng makakaya, tutulong ang Tsina sa pag-apula ng sunog. Handang handa na ang mga kinauukulang departamento para ipadala ang mga may kinalamang puwersa sa Indonesia, dagdag pa ni Hua.
Salin: Vera