Sa kauna-unahang pagkakataon, iniharap kamakailan ng Tsina sa bukas na okasyon ang Global Governance Concept na "Magkakasamang Pagsanggunian, Pagtatatag, at Pagtatamasa." Bibigyang-patnubay nito ang Tsina — pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig — sa paglahok sa pangangasiwa sa daigdig.
Nitong Lunes, sa kanyang pangungulo sa ika-27 kolektibong pag-aaral ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng bansa, na kasunod ng pagdami ng hamon sa daigdig, ang pagpapalakas ng global governance at pagpapasulong ng reporma sa pandaigdigang sistema ng pangangasiwa, ay nagsisilbing pangunahing tunguhin. Aniya, dapat pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng ideya ng pangangasiwa sa daigdig, at dapat ding patuloy na hanapin ang positibong porma ng pakikipamuhayan sa daigdig at konsepto ng pangangasiwa mula sa kulturang Tsino na umaangkop sa kasalukuyang siglo. Idinagdag pa ni Xi, na kailangang patuloy na payamanin ang mga paninindigang gaya ng Community of Common Destiny ng sangkatauhan, at dapat paunlarin ang Global Governance Concept na may nilalamang magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag, at pagtatamasa.
Ani Xi, naitatag ng magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag, at pagtatamasa ang sistematikong bahagi ng pagpapalakas ng pangangasiwa sa daigdig, pagpapasulong ng pandaigdigang sistema ng pangangasiwa at modernisasyon ng kakayahan ng pangangasiwa. Di-puwedeng kulangin ang isa sa mga ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng