|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang pangkalahatang debatehan ng Ika-70 Pangkalahtang Asemblea ng UN. Kasabay nito, natapos ang serye ng summit bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Mogens Lykketoft, Pangulo ng Ika-70 Pangkalahtang Asemblea ng UN, na sa okasyon ng Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, inulit ng mga kalahok na lider sa serye ng summit ang layunin at simulain ng "Karta ng UN" at muling kinumpirma ang nukleong katayuan ng UN sa kooperasyong pandaigdig.
Aniya, tinalakay sa debatehan ng iba't ibang bansa ang maraming mahalagang isyu, gaya ng sagupaan sa Syria, krisis ng mga refugee, prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan, marahas na ekstrimismo, reporma sa aksyong pamayapa ng UN, at iba pa.
Idinaos noong ika-25 hanggang ika-27 ng nagdaang Setyembre sa punong himpilan ng UN ang UN Development Summit, at pinagtibay ang Post-2015 Development Agenda. Noong panahon ng summit, magkasamang idinaos ng Tsina at UN ang round-table meeting hinggil sa Kooperasyong Timog sa Timog, at Summit hinggil sa mga Kababaihan.
Noong ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa serye ng summit hinggil sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN. Noong ika-28, nagtalumpati siya hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng bagong bagong relasyong pangkooperasyon at win-win situation at komunidad ng komong kapalaran para sa sangkatauhan.
Ang Pangkalahtang Asemblea ng UN ay organo ng pagtatalakay, pagsusuri at superbisyon ng UN. Binubuo ito ng lahat ng miyembro ng UN. Idinaraos nito ang pulong sa Setyembre hanggang Disyembre bawat taon.
May dalawang yugto ang pulong. Ang unang yugto ay pangkalahatang debatehan at ang ikalawang yugto naman ay pagsusuri sa mga iniharap na paksa. Sa unang yugto, puwedeng iharap ng lahat ng kalahok ang sariling palagay hinggil sa mga isyung pandaigdig.
Salin: Andrea
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |