Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Hun Sen, Pangulo ng Cambodia People's Party at Punong Ministro ng Cambodia, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na palagiang pinakikitunguhan at hinahawakan ng panig Tsino ang relasyon ng dalawang bansa sa estratehiko at pangmalayuang pananaw. Aniya, dapat palakasin ng dalawang panig ang relasyon ng mga partido, matatag na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, pasulungin ang pagpapalitan ng kultura, at palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ng Cambodia, para aktibong mapalawak ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Hun Sen na mainam ang pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, buong sikap na kinakatigan at inaasahan ng Cambodia ang komprehensibong pakikilahok sa "One Belt and One Road" na iniharap ni Pangulong Xi. Ito ay makakapagbigay ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng Cambodia at mga bansa sa kahabaan ng "One Belt and One Road," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng