Sa Beijing — Idinaos ngayong araw ang Di-pormal na Pagtatagpo ng mga Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina at ASEAN. Tungkol sa pagpapasulong ng kooperasyong panseguridad sa suliraning pandepensa ng Tsina at ASEAN, iniharap ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang limang (5) mungkahing kinabibilangan ng magkakasamang paghawak sa pangkalahatang direksyon ng kooperasyong Sino-ASEAN, magkakasamang pangangalaga sa seguridad at katatagang panrehiyon, magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng mekanismong panseguridad, magkakasamang pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon sa larangang pandepensa, at magkakasama at maayos na paghawak sa hidwaan.
Nangulo sa nasabing pagtatagpo si Chang. Dumalo rito ang mga lider ng departamentong pandepensa ng 10 bansang ASEAN, at pangalawang pangkalahatang kalihim ng ASEAN.
Positibong pagtasa ang ibinigay naman ng mga lider ng ASEAN sa mga mungkahi ni Chang. Sinabi ni Hishammuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia — kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito ang mga hamong gaya ng terorismo, at kalamidad. Dapat aniyang aktibong isagawa ng ASEAN ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng suliraning pandepensa para magkakasamang mapangalagaan ang seguridad at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng