Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Yunnan, lalawigan sa dakong timog ng Tsina na limang pangunahing hakbang ang isinasagawa ng lalawigan para mapasulong ang pag-uugnayan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Timog at Timog-silangang Asya.
Kabilang sa nasabing mga hakbang ay konstruksyon ng imprastrukturang panlupa, pasilidad na pandagat, imprastukturang panghimpapawid, network na pang-enerhiya at Internet.
Anang opisyal, ito ay pagsisikap din ng Yunnan para matupad ang Belt and Road Initiative. Ang Belt and Road ay pinaikling termino para sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na iniharap ng Tsina upang maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio