Mula bukas hanggang ika-23 ng buwang ito, magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Britanya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito ay magiging kauna-unahang dalaw-pang-estado ng pangulong Tsino sa Britanya nitong 10 taong nakalipas. Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya, na ang pagdalaw na ito ay magdudulot ng mahalagang pagkakataon relasyong Sino-Britaniko, para mas lumalim at lumawak ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Liu na sapul nang itatag noong 2004 ng Tsina at Britanya ang komprehensibo at estratehikong partnership, matatag na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, lumalalim ang mga komong interes at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at humihigpit ang pagpapalagayan sa mataas na antas. Aniya pa, mabunga rin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Britanya, mabuti ang pagpapalitan sa kani-kanilang mga mamamayan, at mahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig.
Sinabi ni Liu na sa panahon ng kasalukuyang pagdalaw, itatakda ng mga lider na Tsino at Britaniko ang mga bagong plano at target ng relasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay mahalaga sa kapwa bansa.