Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Ginuntuang Panahon" ng Komprehensibong Estratehikong Partnership, bubuksan ng Tsina't Britanya - Xi Jinping

(GMT+08:00) 2015-10-19 16:04:22       CRI

Sa paanyaya ng Kanyang Kamahalan, Reyna Elizabeth II, magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Britanya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina mula ika-19 hanggang ika-23 ng Oktubre. Sa bisperas ng kanyang biyahe, isang panayam ang tinanggap kahapon ni Xi mula sa Reuters.

Ginuntuang Panahon ng Komprehensibong Estratehikong Partnership

Sinabi ni Pangulong Xi na ngayong taon ay simula ng ikalawang dekada ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Britanya, at sumang-ayon ang mga liderato ng dalawang bansa na bubuksan ang "Ginuntuang Panahon" ng nasabing partnership.

Aniya, totoong may pangamba sa pagtutulungang Sino-Britaniko, pero, ipinagdiinan niyang sa panahon ngayon, walang bansa ang maaaring umunlad kung sarado ang pinto nito sa ibang mga bansa sa mundo.

Kailangan aniyang laging bukas ang pinto para sa mga kaibigan, upang sila ay mainit na tanggapin, at ito ang siyang katanggap-tanggap na internasyonal na gawain sa kasalukuyan.

Sinabi ni Xi, na sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Britanya, nais niyang makipag-usap sa mga lider at mga mamamayang Britaniko upang palakasin at pag-ibayuhin ang relasyon ng dalawang bansa.

Kooperasyong Pangkalakalan at Pang-negosyo

Ang Britanya ang siya ngayong pangalawang pinakamalaking investor ng Unyong Europeo (EU) sa Tsina: ang Britanya rin ang siyang pangalawang pinakamalaking trading partner ng Tsina, at investment destination sa EU.

Sa kabilang dako, ang Tsina naman ang siyang pangalawang pinakamalaking non-EU trading partner ng Britanya.

Noong 2014, sa kauna-unahang pagkakataon, ang bolyum ng kalakalan ng Tsina at Britanya ay umabot sa mahigit $80 bilyong USD.

Ang pag-aangkat ng Tsina mula sa Britanya ay halos nagdoble rin nitong nakalipas na 5 taon, at ang investment ng Tsina sa Britanya ay tumaas ng halos 72% kada taon nitong nakalipas na 3 taon.

Noong 2014, ang investment ng Tsina sa Britanya ay tumaas ng halos 88% year-on-year: ito ang pinakamataas sa lahat ng bansa ng EU.

Pagtatayo ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB)

Ang Britanya ang kauna-unahang bansang Europeo na pumirma sa pagiging miyembro ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB): inisyatibo ng Tsina para i-promote ang imprastruktura, palakasin ang kooperasyon at pahigpitin ang konektibidad sa Asya at mundo.

Ani Xi, pinupuri at tinatanggap ng Tsina ang Britanya sa pagiging miyembro ng AIIB. "Handa tayong makipagtulungan sa Britanya at lahat ng prospektibong tagapagtatag na miyembro para ang AIIB ay maging isang propesyonal at episyenteng infrastructure financing platform na mag-aambag para sa ikabubuti ng Asya at mundo.

Tsina Bilang Puwersang Pamayapa

Sinabi ni Pangulong Xi, na isinusulong ng Tsina ang komong pag-unlad; at internasyonal na kooperasyon: isa rin ito aniyang puwersa para sa kapayapaan, noon, ngayon, at sa hinaharap.

Sa summit bilang paggunita sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN) nitong Setyembre, ipinahayag ni Xi ang isang serye ng inisyatibong kinabibilangan ng: pagtatayo ng assistance fund para sa South-South cooperation, na may inisyal na pledge na $2 bilyong USD; $1 bilyongUSD na China-UN peace and development fund na lilikumin sa loob ng 10 taon; pagsali ng Tsina sa bagong-tayong UN Peacekeeping Capability Readiness System at pagtatatag ng permanenteng peacekeeping police squad at peacekeeping standby force na kinabibilangan ng 8,000 sundalo; pagbibigay ng military aid na nagkakahalaga ng $100 milyongUSD para sa African Union sa loob ng darating na 5 taon para suportahan ang pagtatayo ng African Standby Force at African Capacity for Immediate Response to Crisis.

Dagdag niya, pinabubuti at pinapalakas ng Tsina ang mga gawain para sa kapayapaan at kaunlaran, at hindi dahil gusto nitong maging "world cop," at kuhanin ang papel ng iba sa puwestong ito.

Pagpapalaganap ng Football at Sports

Sinabi ng Pangulong Tsino, na ang football ay ang pinakapopular na isport sa buong mundo, at sa Tsina pa lamang, mayroon nang mahigit 100 milyong football fans.

"Nais kong ang koponan ng Tsina ay maging isa sa mga pinakamagaling sa buong mundo," ani Xi.

Nais ko rin aniyang gumanap ng malaking papel ang football sa pagpapalakas ng katawan at kaisipan ng mga mamamayang Tsino.

Aniya pa, patuloy nating palalakasin ang pagsasanay ng football ng mga kabataan, re-repormahin ang professional football system, palalakasin ang internasyonal na kooperasyon, at pasusulungin ang isports na ito.

Noong 2013, nilagdaan ng Premier League at Chinese Super League ang letter of intent sa kooperasyon at itinalaga rin si David Beckham bilang "ambassador for the youth football program in China and the Chinese Super League." Noong nagdaang Setyembre, nilagdaan din ng Tsina at Britanya ang Memorandum of Understanding (MOU) sa paghubog ng football stars sa hinaharap. Sa susunod na limang taon, isasagawa sa 20,000 paaralang Tsino ang pagsasanay sa football. Anang pangulong Tsino, ito ay nangangahulugang malaki ang potensyal sa pagtutulungan ng Tsina at Britanya sa pagsasanay ng mga manlalaro, coaches at referees.

Narito po ang link sa full-text ng panayam sa wikang Ingles sa Xinhua Website:

http://news.xinhuanet.com/english/china/2015-10/18/c_134725453.htm

Tagapag-edit/Tagapagsalin: Rhio/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>