Ipinahayag kamakalawa sa Beijing ni Hishamuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia, na patuloy hanggang sa ngayon ang magkakasamang paghahanap ng Tsina, Australia, at Malaysia sa bumagsak na Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Noong ika-8 ng Marso ng nagdaang taon, nawala ang Flight MH370 habang lumipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero. Noong ika-29 ng nagdaang Enero, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero nito.
Salin: Li Feng