Ipininid kahapon sa Beijing ang Ika-6 na Xiangshan Forum. Tinalakay ng mga opisyal at iskolar mula sa 49 bansa at 5 pandaigdig na organisasyon ang hinggil sa isyu sa seguridad sa Asya-Pasipiko. Ipinalalagay ng karamihan sa mga delegado, na ang kooperasyong may win-win situation ay pragmatiko para sa pangangalaga ng seguridad at kasaganaan ng Asya-Pasipiko.
Sinabi ni Wu Jianmin, beteranong diplomata ng Tsina, na matagumpay ang porum, at ito ay nagpakita ng kabuuang tunguhin ng kooperasyon ng iba't ibang bansa. Aniya, maaaring maayos na malutas ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, at ang mga pagkakaiba ay hindi nagiging hadlang sa pagkakaroon ng kooperasyon.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na "may kapuwa pagkakataon at hamon ang kalagayang panseguridad sa Asya-Pasipiko." Kinakaharap anila ng ilang bansa ang mga hamon sa lipunan, kabuhayan at seguridad, pero, sa kabuuan, matatag ang kalagayang panseguridad ng rehiyon, lumalakas din ang mithiin ng mga bansa sa pagkakaroon ng diyalogo at kooperasyon, upang makontrol ang mga hidwaan.
Tungkol sa seguridad pandagat, karaniwang ipinalalagay ng mga kalahok na sa kasalukuyan, kinakaharap ng rehiyon sa paligid ng South China Sea ang masalimuot na hamon; at dapat ibayo pang pahigpitin ang diyalogo at kooperasyon ng iba't-ibang may-kinalamang bansa para mabawasan ang mga conflict, at magkakasamang harapin ang mga pagsubok sa dagat.
salin:wle