Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa opisyal na pagkakaroon ng bisa ng komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, na narating sa pagitan ng Iran at anim na may-kinalamang panig, na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya. Sinabi ni Hua na bilang isang mahalagang sagisag, nakikita ang suportang pulitikal mula sa nasabing mga panig para sa nasabing usapin. Umaasa aniya siyang magsisikap ang lahat, na kinabibilangan ng Tsina para pasulungin ang komprehensibo, matatag at pangmalayuang pagpapatupad sa naturang kasunduan.
Sinabi ni Hua na nitong 3 buwang nakalipas, sapul nang lagdaan ang komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, isinasagawa ng Tsina ang konstruktibong atityud hinggil dito, lalo na hinggil sa pagbabago sa Arak Heavy Water Reactor. Ipinalabas aniya ng Tsina, Amerika at Iran ang pahayag hinggil sa intensyon ng pagbabago sa Arak Reactor, at ipinakikita nito ang mithiing pulitikal ng tatlong panig para maalwang pasulungin ang usaping ito. Dagdag pa ni Hua, nakikipagpalitan ang Tsina sa Iran, kasama ng iba pang limang bansa, para pasulungin ang negosasyon hinggil sa paglagda sa kasunduang pampamahalaan. Ito aniya ay para lumikha ng kondisyon para sa maalwang pagtupad ng usaping ito.