Ipinahayag kahapon ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na mahigpit na pinoprotesta ng panig Pilipino ang pagtatatag at pagsasaoperasyon ng Tsina ng lighthouse sa South China Sea. Kaugnay nito, binigyang-diin ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtatatag ng Tsina ng lighthouse sa nasabing karagatan ay hindi "magpapabago sa status quo."
Ani Hua, ang konstruksyon ng Tsina sa mga reef sa Nansha Islands at mga nakapaligid na karagatan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina. Ito aniya ay naglalayong makapagbigay ng mas mainam na serbisyo sa mga bapor ng mga bansa sa kahabaan ng SCS at iba pang sasakyang pandagat habang dumaraan sa karagatang ito.
Salin: Li Feng