Pagkatapos ng ika-10 pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on the Conducts of Parties in the South China Sea (DOC), sinabi kahapon sa Chengdu ni Liu Zhenmin, kalahok na Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng South China Sea ay isyu lamang sa pagitan ng Tsina at ilang bansang ASEAN, at hindi sa pagitan ng Tsina at buong ASEAN. Ito rin aniya ay bahagi ng relasyong Sino-ASEAN, at hindi ang kabuuan ng relasyong ito.
Sinabi rin ni Liu na sapul nang lagdaan ang DOC noong 2002, walang humpay na gumagawa ng pagsisikap ang Tsina at mga bansang ASEAN, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at ang malayang paglalayag at paglipad sa karagatang ito. Sa kalahatan aniya, naigagarantiya ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at walang hadlang sa malayang paglalayag at paglipad.
Dagdag pa ni Liu, igigiit ng Tsina ang paglutas sa mga hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng mga bilateral na talastasan kasama ng mga may kinalamang bansa. Aniya, bago malutas ang mga hidwaan, aktibong pasusulungin ng Tsina, kasama ng mga bansang nakapaligid sa South China Sea, ang mga pragmatikong kooperasyon sa dagat, na kinabibilangan ng magkakasamang paggagalugad.
Salin: Liu Kai