|
||||||||
|
||
Sa Beijing — Sumahimpapawid na kahapon ang China Traffic Channel (CTC), kauna-unahang propesyonal na TV channel sa industryang pangkomunikasyon sa Tsina. Ang tsanel na ito ay pinasimulan ng China Radio International (CRI) at may layong "ipalabas ang awtorisadong impormasyon, magbigay ng impormasyon hinggil sa industryang pangkomunikasyon, itaguyod ang sibilisadong paglalakbay, at pasulungin ang maginhawang pamumuhay ng mga mamamayan."
Si Wang Gengnian, Presidente ng CRI
Sa kanyang mensahe sa preskon, ipinahayag ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI, na ang pagsasahimpapawid ng CTC ay isang mabuting praktis ng CRI sa pagpapasulong ng malalimang pagiging inklusibo ng tradisyonal at bagong media. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, batay sa pangkalahatang pagsasa-ayos ng Pamahalaang Sentral sa pagpapabilis ng konstruksyon ng kakayahan ng komunikasyong pandaigdig at pagpapasulong ng magkasamang pag-unlad ng tradisyonal at bagong media, iginigiit ng CRI ang pagiging inklusibo ng multi-media at pag-unlad ng omnimedia. Dagdag pa niya, ipagpapatuloy ng CTC ang modelo ng komprehensibong pag-unlad para mabigyang-kasiyahan ang pangangailangan ng mga gumagamit.
Si Huang Ming, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina
Sa ngalan ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, ipinahayag naman ni Huang Ming, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad, ang pagbati sa pagsasahimpapawid ng CTC.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |