Ayon sa pahayag kahapon ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng bansa, pinalawak nito, kasama ng counterpart na Britaniko na Bank of England ang kasunduan sa currency swap ng dalawang bansa.
Ayon sa bagong kasunduan, ang pinakamalaking halaga ng swap ay pinalawak sa hanggang 350 billion yuan/35 bilyong pounds ( halos 55 bilyong dolyares) mula sa 200 billion yuan/20 bilyong pounds (31 bilyong dolyares). Ito ay may-bisa sa loob ng 3 taon. Maaari rin itong palawakin pa kung sasang-ayon ang dalawang panig.
Ayon sa PBOC, ang pinalawak na kasunduan ay magkakaloob ng mas maraming liquidity ng negosyong may kinalaman sa RMB, salaping Tsino sa Britanya, at magpapaginhawa rin ito sa kalakalan at pamumuhunan.
Ang dating kasunduan ay nilagdaan ng Tsina at Britanya noong Hunyo, 2013.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio